Wednesday, November 30, 2011

Kupal.

Found this somewhere and just realized that few years ago, I was interested in writing non sense while floating on social norms. Well I guess, being idle can really be the devil's playground. Pondering on words i used to contend with, I also realized, that to this day as I grow, I simply don't care anymore... So here's what's in my head three years ago, just want to share what an ass people can be, as well as me hehe in general it is. Cheers!


07.28.08
02:53am

Praning. Bakit kaya may mga taong kupal? Yung tipong kahit hindi mo sila tuunan ng pansin ay nawiwili sila na kupalin ka? Wala ba silang magawa sa buhay nila? Kundi kupalin at abalahin ka? ... Hindi ko alam kung napapraning lang ako pero mukang sadyang may mga tao na pinanganak na mga gago. Nananahimik ka sa isang tabi at hindi nakikialam sa ibang tao, eto sila at kukupalin ka, kulang nalang ay ipagkalat nila ang 'yong mga baho...tsss, HINDI RIN! Walang kulang sa taong kupal, hangga't kaya ka nilang kupalin ay kukupalin ka nila. Mapa-bata man o matanda, hindi mo alam kung nasa tamang pagiisip ba sila o nagpapasikat lang sa madla. Sabagay, ang ibang mga kupal kumikita sa ganitong pamumuhay...mangupal ng tao para may ma-i-chismis sa kabilang ibayo. Ano nga bang tawag dun? Nakalimutan ko, MEDIA ata tawag dun. Ewan.

Napapraning na ba ang mga tao? Dahilan ba ito ng paggamit nila ng bato? Mga tao, magpakatotoo tayo... Kung kupal ka, mas kupal ako sayo.

Sa bangis ng pagkalat ng chismis ngayon, magpapaapekto pa ba tayo?
Mga tao lang din naman ang gumagawa ng sarili nilang problema, kung alam mo talaga ang mga ginagawa mo...mga kupal na tao?? Aysaws nako, deadma na kamo sayo. Mga kakupalan na ginagawa nila ay babalik din sakanila...doble pa.

Kaya huwag ka na magalit 'pag may taong nangungupal sayo, ngitian mo nalang bilang payo ko.

Ano kupal parin ba ako? 'Aning ka lang chong, 'wag ka ngang gago. SALAMAT.

No comments:

Post a Comment