Monday, February 21, 2011

Malasimbo Festival.

Pakiramdam ko noong naririto ako, may general assembly ang iba't ibang tao at pokemon sa loob ng ulo ko. At may riot ang mga prinsipyong napulot ko noong nagdaang dekada; dahil narin siguro sa mga taong nakausap ko, nakabatuhan ko ng pananaw. Sabagay, kaya nga pala ako nagpunta dito ay para kahit papano ay mabuo ko ng bahagya ang sira kong sarili at ulo. Oo, parte narin nun ay sirain ko rin muli ang aking pagiisip...wasak. Lahat yan nangyayari satin habang pinipilit nating maging mas matinong tao ngayon kaysa kahapon. Ngayon, masasabi ko sa sarili ko na masaya ako dahil ito ang pinili kong buhay at hindi ako nagsisisi sa mga katarantaduhan ko, o kahit na nawala ako sa hulog at lumipad ako... Pero alam ko ang kahusayan ng pagkakataon at masaya ako dahil alam kong malinaw ang isipan ko, damang dama ko, kahit basa at malamig ang utak ko. Maraming salamat kalikasan, nagbalik-loob na ako sayo.



No comments:

Post a Comment